Teach Me; To Love

TRES


-----      ;     -----


3-A 50/50

 

Napahinga ako ng maluwag. Buti naman at naperfect namin ni Jay. He really helped a lot.

 

"Congrats Sunoo." a deep voice spoke behind me. Natawa ako at tiningnan siya.

 

"Congrats Jay." We both participated tapos ako lang ang binati, sana binati niya din sarili niya diba. Ngumiti lang siya bago nag lakad na ulit kasi tiningnan lang ata ang results sa bulletin board.

 

"Wow tingnan mo nga naman naka 29 pa tayo! Ang talino talaga Hoon HAHAHAHA!"

 

Napaiktad ako ng may sumigaw sa gilid ko. It's Jake with Sunghoon from 3-E

 

"Uy si Sunoo. Hi Sunoo!" ngumiti ako sa kanila. Tiningnan nila ang results at nanlaki ang mata ng makita ang score namin.

 

"Shocks ang talino pare, out of reach," bulong ni Jake kay Sunghoon pero narinig ko naman.

 

Ang arte ng pagkakasabi na akala mo naman may accent siya.

 

"Matatalino talaga ang nasa A, pre. Huwag ka na magulat," nagbulungan lang sila doon.

 

Uhm, naandito pa po ako. Ang awkward naman na yung pinag bibilungan nila ay nasa harap lang. Pasali naman sa bulungan mga tol, napapakinggan ko din naman mga binubulong niyo e.

 

"Oy nga pala," Jake smirked at me kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

 

"Sanaol nagsusubuan sa canteen!" malakas siyang tumawa kaya nabatukan siya ni Sunghoon.

 

"Hey don't be so loud on the hallway  Malapit lang ang faculty dito, baka mapagalitan kayo," winarningan ko sila at hindi na pinansin ang pang aasar. Ako lang din ang mahihiya!

 

"Crush mo si Heeseung, Sunoo?" nanlaki naman ang mata ko. Yung hudas na 'yon?

 

"Jake tama na," Sunghoon launched before looking at me.

 

"Nangangamatis na si Sunoo oh." They both laughed kaya napairap ako.

 

"Shut up. Magsama kayo." iniwan ko na sila doon na parehas natawa sa kalokohan nila. Hayaan na nga! Masaya sila e. Sarap nila pag untugin.

 

I walk straight to SC Office. There's work there that I have to finished. Kaylangan kong gumawa ng report para sa buwan na ito, yung schedule pa para sa susunod na buwan because there's  an event. Next month na pala ang festival. I sighed before looking at mt table. Nakatambak doon ang mga papel. Inisip ko muna kung may test kami para maka pag review pero buti wala. Hassle kung meron. I sighed in while I'm in the middle of writing a report.

 

Nagugutom ako. Kumakalam ang sikmura ko maybe bacause breag and bacon lang ang kinain ko for breakfast.

 

"Hi President." biglang pumasok yung Secretary at Vice President ng SC kaya napaayos ako ng upo. Why naman nang gugulat?

 

"Goodmorning." sakto makakabili din. Binilin ko sa kanila ang office at nagpatulong sa ginagawa ko.

 

Humingi din ako ng budget ng school from Treasure and Auditor para mapabilis ang trabaho. Magiging busy kami ngayon kasi patapaos na ang buwan at festival na ang susunod. I look at my wrist while I'm walking. 15 minutes pa bago ang bell for first subject. Maaga akong pumasok kasi may gagawin sa Council kaya ngayon ay nagugutom.

 

"Goodmorning President," tumingin ako sa likod ko at doon nakita si Heeseung na nakasabit ang isang strap sa kanang balikat, naka pang PE at naka jacket.

 

"Walang good sa morning kalag ikaw ang babati," naisip ko kung bakit ganon ang mga sagot ko sa kanya. Normally when someone greeted me, I'll greet them back. When someone will tease me, hindi naman ako pumapatol at iirap lang. I knotted my brows at him. Dahil ba barumbado siya kaya nagiging barumbado din ako sa harap niya? I bit my lower lip!

 

No hindi 'yon ganon. Hindi ako barumbado gagi!

 

 Tiningnan niya lang ako kaya tiningnan ko lang din siya. Ngayon ko lang nakita na inaantok pa.

 

"Ang aga pa, bakit pumasok ka na agad?" I asked. Hindi maayos ang buhok niya ngayon, ang medyo mahabang buhok ay literal na magulo na parang pugad ng ibon.

 

"Matutulog ako sa room,"

 

"PE ang first subject niyo?"

 

"Pake mo?" Ayt, attitude.

 

"Wala akong pake, nagtatanong lang," I flipped my hair bago tinalikuran na siya.

 

"May 15 minutes pa naman kaya pwede pa matulog," sumabay siya sa akin sa pag lalakad.

 

Nilipat niya yung bag niya sa kaliwang balikat kasi nasa kaliwa ko siya.

 

"Why are you explaining yourself? Wala akong pake remember?" I just saw him shrug as his response. Nagpatuloy lang ako sa  paglalakad.

 

"Oh kala ko matutulog ka? Bakit 'andito ka pa?" tanong ko bago pumasok sa Cafeteria.

 

Nakabuntot lang siya sa akin na parang aso. Hanggang sa pagbili ko. When I bought a bread and a Mintcho drink bumili din siya ng kanya. Umupo kami sa isang table na nasa gilid. It's for two bago ako mag simulang kumain.

 

"Masarap ba yan? You like mintcho so much," pagpuna niya sa kinakain ko.

 

"Bili ka para malaman mo," I continued eating. Minsan ay nikikita ko siya na sumusulyap sa akin.

 

"Do you have a problem?" I sighed. Wala naman akong mapapala kung lagi ko siyang gagaguhin kaya kumalma muna tayo okay? Tama na muna ang pagiging gaga for todays video.

 

"My hair. It's messed up." nilapag niya ang chocolate drink niya sa lamesa bago hawakan ang buhok niya. I laughed when he brushed his hair, nasaktan lang siya dahil buhol buhol pa.

 

"Naligo ka ba?" I laugh. Parang bagong gising lang amp.

 

"Yeah. Ikaw naligo ka?" tumango ako sa tanong niya habang natatawa pa.

 

"Hindi halata," aba't.

 

Binato ko siya ng tisue na nasa lamesa kaya natawa lang siya.

 

"Gusto mo ako ang mag puyod sayo?" pumahalumbaba ako sa harap niya bago siya tingnan.

 

"Bakit ka kasi nag pa long hair? Hindi ka naman pala marunong magpuyod?" tumayo ako para lumapit sa tabi niya. Kinuha ko na yung suklay para suklayan siya.

 

"Pinahaba ko lang para mahirapan maglakad yung mga kuto." agad kong tinulak ang ulo niya kaya muntik na siyang mauntog dun sa lamesa.

 

"Yuck naman. Ang dugyot." I made a disgusted face kaya natawa siya.

 

"Just kidding. Dali na sis payuran mo na ako. Mag bebell na," ginawa niya pang pang babae yung boses niya kaya naman mahina kong hinigit yung buhok niya.

 

"Aray ko! Ingat naman President, pinapa treatment ko pa yan!" shuta ang arte talaga!

 

Habang sinusuklayan ko siya ay nakaisip naman ako ng magandang ideya. I bent down my body so I can peek on his face.

 

"Do you have a sanrio? Pamuyod, ganon?" I asked. Lumingon naman siya kaya nanlaki ang mata ko. Nakasilip kasi ako sa may gilid ng mukha niya kasi nagpupuyod ako tapos paglingon niya ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Nakakaduling be!

 

"Uh-"

 

"Ehem. Agang landian," I stand up straight when I heard a fake cough infront of us.

 

"Won!" sigaw ko. Ang OA kasi alam kong nakita niya yung kanina.

 

"Oh? Kala ko busy ka sa SC Office? I didn't know naman na your hair stylist na," umupo siya sa upuan ko kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

 

Nginisian niya naman ako. Bakit ba ito nandito? Dapat nasa room na ito at nag rereview a.

 

"Hey, Heeseung right? Yung nasa clinic?" Won said teasingly. Nabitawan ko yung buhok ni Heeseung kaya halos magpapadyak na ako kasi nagulo ko yung puyod.

 

"Hmmm," Heeseung just hummed before putting two ponytails in the table.

 

"Style it in anyway you want," sabi niya tapos umayos na ng upo. I bit my lower lip when I think of something funny. Funny but cute, I think it'll suit him.

 

"Kahit i braid ko okay lang?" I asked happy again. Gusto ko talaga ng may aayusang buhok simula pa bata ako. Since I was a child I want a little sister but because it's Kim, hindi gusto ko ang masusunod. It's all about my parents think what will be the best for me.

 

"Yeah, do whatever you want," yey!

 

Masaya kong inayos ang buhok niya. I parted it in half before braiding it. Nanliit ang mata ko ng makitang wala akong hairpin. I look at Won na nakatingin lang sa amin habang nakangiti. Loh, ngiti ngiti mo dyan sis?

 

"Won, do you have hairpin? Penge ng dalawa," kinuha naman niya ang bag niya at kumuha ng pin doon.

 

"Here," inabot niya yoon sa akin kaya tinapos ko na yung puyod ni Heeseung. Nakita ko naman na nag cecellphone na si Won kaya baka inaantay ako para sabay na kami papuntang room.

 

"Tayo ka nga," Utos ko sa lalaking pinupuyuran ko kanina.

 

Tamad siyang humarap sa akin kaya napangiti ako ng makita ko ang mukha niya.

 

"Ganda mo sis," tumawa ako habang inaabot ang mukha niya. Nilagyan ko ng dalawang lawit na buhok sa ina para mag mukha talaga siyang babae. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda bago ako tumingin sa kanya.

 

"Pwede?" I asked permission. Hindi naman ako pwedeng mag picture ng walang permiso. He just looked at me bago umirap.

 

"I looked like a girl," natawa ako ulit habang binubuksan na ang camera sa cellphone.

 

"You said I can do whatever I liked? Nagsisisi ka na ngayon?" I smirked at him.

 

Tinapat ko ang camera ko sa kanya kaya tiningnan niya ako ng masama. I took a photo of him na masama ang tingin. Cute.

 

"Ngiti ka naman HAHAHAHA. Ganda ganda ng hair natin sis tapos ganya yung mukha mo?" inuto ko siya kaya inirapan niya ako. Natawa naman ako ng hindi na siya tumingin sa camera. Nakatingin siya sa gilid kaya nag take ako ulit ng picture. I took a photo again when I saw him smirked. Nagulat nalang ako ng hawakan na niya ang cellphone ko at hinablot yoon.

 

"Enough. Masyado mo na akong nagugustuhan," he confidently teased.

 

Ang kapal ng mukha! I heard Won cough fakely kaya I looked at her,

 

"Hehe, don't mind me. Usap lang kayo diyan, masaya kaya maging air minsan," before smiling sheepishly.

 

"Kita mo to?" pinakita ko yung libro na nakapatong sa lamesa.

 

Actually kay Won yon, she carried it for our next subject.

 

"Hmmm? What about it?" ngisi pa si mokong oh.

 

"Ganyan ka kapal ang mukha mo. Move nga, hinaharahan mo yung way," inis ko siyang tinulak at inaya na si Won na umalis. Lumalakad pa kami palabas ng cafeteria ng sumigaw pa siya at humabol kasabay ng sigawan ng iba pang mga bumibili ng pagkain sa cafeteria.

 

"President, it's okay to like me, I like you too!"

 

How I hate this guy!

 

"Heeseung!"

 

"Won, tigilan mo ako," hindi ako tumitingin sa kanya at nakapako lang ang tingin ko sa binabasa ko.

 

Paano kasi natapos na at lahat ang fourth subject namin hindi pa ako tinitigilan sa pang aasar. Pwede ba ako mag benta ng kaibigan? For sale na po siya.

 

"Ow Sunoo, you know ang sweet niyo kanina. Look oh, I have a photo of it," binaba niya ang libro ko before showing me a picture of me with Heeseung.

 

Yoon yung pinupuyuran ko si Heeseung. My brows raised when I noticed Heeseung's expression. He looked so calm and relaxed. May ngiti pa sa labi. He looks so soft. Oh, enough Sunoo.

 

"Diba? You look like a couple! Kung hindi lang kayo nag babangayan ang well, hindi kita friend baka inisip ko na may something kayo," tumawa pa ang gaga.

 

"Shut up Won, wala akong gusto diyan,"

 

"Okay sabi mo e," I sighed heavily. Nag aral lang kami ng nag aral hanggang matapos ang araw. Next month is Annual Anniversary ng Academy so may event, for sure magiging busy na naman kaming mga SC.

 

"Mom, I'm home," sigaw ko ng makarating ako sa pintuan namin.

 

"Ang kapal talaga ng mukha mo at dinala mo pa talaga yung babae mo sa motel! How dare you! May asawa at anak ka na!" I heard shouting from the second floor.

 

Tumingin ako doon at ang nag aaway kong magulang ang nakita ko. I frowned when they didn't even notice that I'm here. Mom's crying at mukhang wala namang pake si Dad.

 

"Yeah? But I can support both of you, Don't meddle with my business because we both know na hindi lang ako ang madumi dito!" mas lalong humagulhol si Mom.

 

"Xandro! Pwede ba mahiya ka naman! Paano pag nakita ka ng mga business partners natin?! Sino ang mapapahiya sa tingin mo?! Ako!" nagpatuloy pa sila sa pagsigaw. Napatungo na lang ako. May lumapit sa aking katulong para kunin ang bag ko. The maids are also quiet, they're careful not to make any disturbing sounds.

 

"Miss, ako na po,"

 

"Thank you po," nginitian ko siya bago binigay ang bag ko.

 

"Ako kasi ako ang nang babae diba? Can you please shut up? Pati ba naman dito bubungangaan mo ako?!" I bit my lower lip when my Dad's voice echoed in our house.

 

"I'm home!" sigaw ko para matigil na sila.

 

I saw them look at me before faking a cough, Mom turned her back to Dad and walked to their room. Si Dad naman ay bumaba para umalis because I saw him fiving his tie.

 

"Dad, I perfected a Qu-" naputol ang sasabihin ko ng putulin niya ito.

 

"Good for you, keep it up." he said not looking to me at dinaanan lang ako sa hagdan. I bit my lower lip, yeah, keep it up!.

 

"Sunoo, anak, merienda?" the oldest maid questioned ng paakyat na ako. Nginitian ko siya para hindi mahalata ang pait sa sistema ko,

 

"I'm already full po, mamaya nalang po," I smiled again. I can see worry in her eyes. Alam ko kung ano ang iniisip niya, she's my nanny simula pa noong bata.

 

"I'm okay po," pag papaalala ko bago pumasok sa kwarto.

 

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong napaupo, How fucked my life is huh? A family who controlled my life, parents who 'loved' each other, note the sarcasm at laging nag aaway! Hindi ko alam kung iiyak ako o matatawa nalang dahil sa awa sa sarili. People might envy my life because all they can see is the surface, but I envy them more. I just want a normal life, a happy family. Nagpalit ako ng damit at pagod na nag review, hindi ko alam pero sanay na siguro ako, my system is already immune.

 

Napatalon ako ng may kumatok, I look at my table clock and notice time.

 

19:00

 

"Yes po?" I replied.

 

"Dinner Sunoo," boses ni Manang. Hindi man lang ako chineck ng Mom ko, I sighed.

 

"Busog pa po ako," sigaw ko ulit kahit gutom na ako. I didn't want to see them, I didn't want to see any of them.

 

I know they're my parents but kilala ko ang sarili ko and I didn't want them to see my disrespectful side. Damn I'm just tired, emotionally and mentally. Hindi ako makaiyak ang that's the bad thing about it, hindi ko maipabas ang sama ng loob ko sa kanila. Humiga ako sa kama na wla sa sarili.

 

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla iyoong tumunog. I checked it at halos malaglag sa ilong ko ang cellphone ng makita ang notification. Heeseung Lee sent you a friend request. Napairap ako at agad na denilete iyon. Wala ako sa mood kaya umayos siya pero tumunog na naman ang cellphone ko. I checked at it again and bit my lower lip when I saw it.

 

Heeseung Lee:

Accept it President.

If you didn't, pupuntahan kita sa inyo.

You didn't want that don't you?

 

I messaged him kaya naging mutuals kami sa messenger pero hindi pa rin sa facebook.

 

Sunoo Kim:

 Lol, u didn't know my loc.

 

Napangisi ako, wag ako boy, iba na lang. Private subdivision ito, kokonti lang ang nakaka alam nito because my parents want a peaceful life, peeo laging nag aaway. Hoy ironic.

 

Heeseung Lee:

 *** *** Subdivision located in ****

Hehe, see u pres.

 

Gago! Agad akong napabangon at chineck ng request ko. Mabilis pa kay flash kong inaccept ang request ng gago!

 

Heeseung Lee:

That's more like it. Goodnytt President;)

 

 

Napailing pa ako dahil sa pa heart niya. Hindi na ako nag reply at binaba na ang cellphone ko.

 

"Thank you," I whispered again, hindi na matandaan kung bakit wala sa mood kanina, all because of him.

 


Comments

Popular Posts