Teach Me; To Love

PROLOGUE


  -----    ;   ------

I look at the bulletin board for the results. I sighed in relief when I saw the result for Student Council President poll.

 

Sunoo Kim - 487 votes

 

"Oh my god, congrats Sun! Though alam na namin na ikaw ang mananalo but still congrats babe!" my friends hugged me. I smiled before looking at the paper again. I'm looking forward for this year.

 

Confident naman ako na kaya ko pamunuan ang Academy namin but the nervousness won't just leave me alone.

 

"Kim tawag ka ni Maam para daw sa speech mo bukas," I nodded at my classmate before packing my bag.

 

"Congrats pala," he laughed before messing my hair a bit.

 

"Huwag mo kaming masyadong pahirapan Pres, baka magtransfer kami." tumawa pa ang buong klase.

 

Nakitawa nalang din ako bago lumabas. Bawat mga nakakasalubong sa hallway ay binabati ako. Hmmm, I'm thankful for them naman. Hindi ko lang alam kung lahat sila ay tunay na susunod sa akin. I'm not blind to know that even if you held the highest position, there are people who wouldn't like you. Even if you're the kindest person in this world, hindi ka mawawalan ng basher.

 

"Maam, excuse po." I asked politely bago pumasok sa office. Binigay niya lang sa akin ang speech para sa oath taking.

 

Lumabas na din ako pagkakuha ko noon. Tumunog na din yung bell na nag huhudyat na pwede na kaming lumabas at mag si-uwian. I look at my schoolmates who's walking out from our school to go home. May mga mag jowa pa na nag sasabay. Ang iba ay pag nakikita ako ay ngumingiti. Makes me wonder if they're really happy for me or plinaplastik lang nila ako..

 

Napataas ang kilay ko ng mapadaan ako sa ising iskinita dito sa Academy. I look at the guys who's smiling, kita ang paglalagay ng sigarilyo sa kanilang bulsa.

 

They're going to smoke? Inside the school? Should I go? Or hahayaan ko nalang?

 

I bit my lower lip when I decided to follow them. Sa likod ito ng Academy kung saan tinatambak ang mga trash bags para doon nalang kukunin ng pick up tuwing Friday.

 

"What are you doing?" I asked and I almost smirk when the group of guys almost jump in surprise ng magsalita ako.

 

Nakita ko ang agad nilang pagtapon ng stick na nasa bibig nila bago tinapakan para mawala ang apoy at usok. Tinaasan ko sila ng kilay habang hindi nila alam ang gagawin. They did know na may parusa ang smoking inside the Academy pero bakit nila ginagawa?

 

There are four guys. Nagtagal ang tingin ko sa isang lalaking matangkad at gulo ang buhok, may dala dala pa itong basurahan. Tamad siyang nakatayo habang kapit ang isang strap ng bag.

 

"Hehe, hi Pres,"

 

"Gago patay,"

 

"Magtatapon lang talaga ako, una na ako pre. Babye,"

 

I raised my eyebrow ng pasimpleng tumalikod sa akin ang tatlong naninigarilyo pero pagtapos ng apat na hakbang ay nagtatakbo na. Jusko ano bang gagawin ko sa mga ito.

 

"Hmm." I look at the other guy when he shrug. Naglakad na din siya papunta sa direksyon ko para siguro umalis.

 

 "Did you also smoke?" I asked. Hindi ko siya kilala pero batay sa id lace niya ay ka batch ko siya. He stopped when he's infront of me to look at my face.

 

 "What do you think?" napakurap ako ng marinig ang boses niya.

 

"Uhm..yes? Kasama mo sila diba?" sumilip pa ako sa likod niya para makita kung wala na yung tatlong nahuli ko kanina.

 

"Kapag kasama ako ibigsabihin naninigarilyo na din ako?" tinaasan niya pa ako ng kilay.

 

"Then what are you doing here? Nagsisimba?" I asked sarcastically. Ano pang gagawin dito kasama yung mga guys kanina.

 

"Pwede. Turuan kita?" barumbado niyang sagot. I look at him flatly.

 

Sige gwapo ka pero ang gago mo naman. I heard him laugh before bending down his body. Magkapantay na ngayon ang mukha namin. I blinked couple times when I stared at his face closely. Wala e. Sana mukha ka nalang. Don't ever speak again. Napapikit ako ng bigla siyang humihip sa mismong mukha ko. I can smell his mint with a little bit of menthol breath.

 

"So..did I smell like I smoke?" he said before I saw that one of the side of his lip rose up, forming a smirk.

 

Popular Posts