Teach Me; To Love

 UNO


-----       ;    ------

That's the first time we met. Hindi ko na ulit siya nakita sa Academy. Hindi ko alam kung pumapasok ba yon o ano.

 

"Class before I disMr.ed, sino ang gustong mag volunteer para sa maging candidates for upcoming quizzes and trivias?" our teacher said.

 

Nagbulungan ang mga kaklase ko at ang iba ay tumingin sa akin. I have a bad feeling about this. I look around I noticed na walang tumataas ang kamay kaya napabuntong hininga si Maam.

 

"Okay if no one wants to volunteer then let this sheets decides kung sino. Kung sino yung top 2 na highest sa scores then siya yung ilalaban for School competition. Okay ba yon?" I bit my lower lip. I did review at madali lang naman ang test kaya alam kong may chance na masama ako sa candidates.

 

Nilibot ko ulit ang paningin ko. Ang iba ay kinakabahan, ang iba ay masaya, maybe because they know that they didn't have a chance to be a candidate and others are just walang pakealam. Sana lahat walang pakealam kasi hindi ko iyon magawa!

 

"Sunoo, galingan mo ha. Alam naman namin na ikaw na yon," my seatmate, and unfortunately my one and only trusted friend, Wonie beamed at me.

 

"Gaga, hindi mo sure." I said facing infront. Tumayo ako ng sumenyas sa akin si Maam, pinapasunod ako.

 

"Pagdadasal kita Sunoo. Loveyou!" I shook my head before smirking at her. Sumunod na ako kay Maam dahil baka may ipapagawa.

 

"Anak, I noticed your grades," panimula niya.

 

Ay hala Maam, bumababa ba?!

 

"And I must say you're doing great. Nag eexcel ka sa lahat ng subjects mo," puri pa niya. Namula naman ang pisngi ko dahil sa hiya.

 

'No ka ba Maam. Ako lang 'to.

 

"Thank you po." I said shyly.

 

"That's why alam ko na isa ka sa magiging candidates for this Quiz bee." Agad na naglaho ang hiya ko. Sabi na nga ba e, dapat tinanong ko nalang kung anong kaylangan ni Maam para hindi ako nadala sa bola niya.

 

"I'm not sure po Maam. My classmates are also good with your subjects po kaya we'll never know po." I even nodded my hand habang ang kamay ang nasa likod, kasabay na naglalakad si Maam.

 

"You're very humble talaga 'no. By the way, ipapakuha ko sa iyo ang mga pangalan ng mga sasali pa sa quiz bee. 2 per section sa batch niya. Ang alam ko ay nakapili na din sila sa sari-sarili nilang section, nahuli kayo dahil tulad ng sabi mo, you'll have a potential."Napatango ako sa sinabi niya.

 

We just talked hanggang makarating kami sa office. Binigyan niya ako ng index card before ordering me to get the names of each participants. We have five sections per batch kaya hindi na ako mahihirapan. Apat na room lang ang pupuntahan ko. I knock on the first room.

 

"Excuse po Sir. Goodmorning po," I greeted. Agad namang ngumiti ang teacger namin sa Filipino. Kaclose ko kaya kilala na ako.

 

"Mr. Kim. May kaylangan ka anak?" he said. May katandaan na kaya medyo halata ang pagka strikto sa mukha.

 

"Si Sir biglang bumait. Favoritism ka Sir!" nagulat ako ng may biglang sumigaw.

 

Nagtawanan ang buong klase pero natigil din ng bigla silang tingnan ni Sir. I was stunned ng nagawa nila iyon. Wala sa classroom namin ang kayang may gumawa noon. Yes we're close sa mga teacher but we took our classes seriously at saka lang nagbibiruan pag tapos na ang klase. Not that it's bad thing, I'm amused actually.

 

"Uhm..names daw po ng candidates para sa Science Quiz bee.?" hindi pa sigurado ang tono.

 

Ano ba yan. Masyado akong nagulat sa inasta nila. Para tuloy gusto ko ng lumipat ng classroom. After getting the names, ngumiti naman ako at nagpasalamat. Ganun din ang ginawa ko doon sa pang tatlo at pang apat na classroom. Madali lang mag excuse kasi kilala naman ako ng teacher.

 

Okay last one.

 

"Excus-" katok ko sa pinto pero natigil din ng makita kong walang teacher sa loob. Maingay na mga estudyante, magulong upuan at may natutulog pa sa mismong Teacher's desk.

 

"Uy may tao."

 

"Ikaw lang naman ang hayop dito."

 

"May kaylangan po sila?" I look at the guy who's looking at me now. Hindi na tulog pero nakatuon ang siko sa table at nakapalumbaba.

 

"Uh.." I wast about to continue what I'm going to say when someone interrupted.

 

"Shock ang gwapo mo daw masyado Sunghoon! Speechless si Mr. President" nagngisian ang mga kaklase noong Sunghoon. I smiled awkwardly when they begin to tease us.

 

"Ayiie!"

 

"Namumutla si Sunghoon guys! Picture! Picture!" Lumapit naman ako sa lalaking sinasabi nilang Sunghoon.

 

Naglakasan pa ang mga sigaw nila.

 

"Wala kayong teach-" tatanong ko sana kung wala ba silang teacher ng may biglang pumokpok sa desk niya at masamang tumingin sa amin. The room went silent.

 

"Ano ba yan? Bakit ang ingay niyo?" I look at the guy na halatang galit nung punukpok niya ang desk niya. I met his dagger stares when he looked at me.

 

"Mr., sorry. Pwedeng sa labas tayo mag usap? Ang gulo nila e." biglang tumayo si Sunghoon pero nakatingin pa din ako sa lalaking nakatitig nalang din sa akin.

 

Gone the dagger stares. Siya. Siya yung mahangin na nakita ko sa likod! Yung akala ko na naninigarilyo! Napakurap ako ng bigla siyang ngumisi.

 

"Bakit may naligaw na anghel dito?" tumayo siya para lumapit sa tayo namin.

 

"Hee," Sunghoon said beside me.

 

"Tara na, Mr.?" I look at Sunghoon para mawala ang titig ko sa lalaking may magulong buhok at inaantok na mata.

 

"Sunoo." I said and smiled.

 

"Ano ba yan. Mag haharutan na nga lang bakit sa room pa." sabi na naman nung Hee.

 

Ano bang problma nito? Nakita ko pa ang pag irap niya sa amin that made me scoffed. Masyadong mahangin!

 

"Tara na Sunoo. Ano bang kaylangan mo?" Sunghoon walked out of the room kaya sumunod na ako.

 

"Yung names ng candidates para sa Quiz Bee. Meron na daw kayo diba? Kaylangan na e." I shrug. Kita sa salamin ng pinto nila na nakatingin sa amin si Hee sa loob, nakakunot ang noo.

 

"Oh. Ako. Sunghoon Park at saka si Jake. Sim Jaeyun." I nodded kaya sinulat ko na sa index card yung names nila at section. Pinakita ko pa sa kanya kung tama yung spelling pero natawa siya.

 

"Ay hala, mali ba?" I asked.

 

 "Double O, Sunoo. Dun sa Hoon.Hindi po bisaya si Mama." natatawa niyang sabi. I bit my lower lip to hid my smile. ANg naisulat ko kasi ay Sunghun since ang tigas ng pagkakabigkas niya, akala ko naman bisaya lang talaga sila.

 

"So bakit nga naligaw ka dito President?" halos mapaiktad ako ng may biglang magsalita sa likod ko.

 

"Oy Hee, bumalik ka doon. Papagalitan ka ni Maam." Sunghoon said, looking at Hee.

 

"Ay wow. Parang hindi niyo kasalanan ni Niki na umiyak yung teacher kaya nag walk out." Hee rolled his eyes.

 

So pinag walk out nila ang teacher nila kaya wala silang klase? Ganoon ba talaga kapag lower section?

 

"E sino naman yung natulog sa klase niya at hindi gumagawa ng mga activities tapos sinabi pa na hindi importate yung subject niya kase hindi naman PE?" Napakagat ako sa ibabang labi ko.

 

Am I supposed to hear this? Ang gulo po ng section nila. Pinaiyak pa nila yung teacher nila.

 

"Sunghoon tawag ka ni Jake."

 

"Bakit daw?"

 

"Uno daw."

 

"Ge. Hee tara na. Sige Sunoo. Ayun lang ba? Sorry kung magulo kami." I smirked.

 

Parang hindi nakikipag bardagulan sa harap ko kanina a. I nodded kaya pumasok na siya sa loob. Tiningnan pa si Hee bago pumasok pero nginisian lang siya ni Hee.

 

"For the third time, bakit may naligaw na anghel dito?" bumaling na siya sa akin ngayon. His hair is messy but in a good way, yung parang laging kakagising lang sa umaga pero bagay sa kanya  and hindi nakasuot ang jachet ng school.

 

"Pinadala ako para sunduin yung kampon ng kadiliman dito." I look at him. The three buttons of his polo is unbuttoned kaya sumisilip doon ang dibdib niya. Long-sleeved type ang uniform nila kaya hindi ko alam kung tama ba ba ang nakita ko. Is that a tattoo?

 

"You're drooling." ramdam ko ang pag daliri niya sa gilid ng labi ko kaya agad ko iyong pinalo.

 

"Don't touch me," sinamaan ko pa siya ng tingin. "And button up your polo. Ayusin mo ang uniform mo," I rolled my eyes when I saw him smirked.

 

Nginingisi ngisi mo diyan?!

 

"Yes, President." panguuto niya habang nakatingin sa akin habang nag bubutones ng polo niya.

 

Napaiwas ako ng tingin because I can't handle his stare. Narinig ko naman siyang tumawa.

 

"Tsk. Pumasok ka na nga doon at huwag kayong pakalat kalat. May klase kayo dapat kaya wag din kayong maingay." kunot noo akong napatingin sa kanya.

 

Bakit ba siya nakangisi?! Mukha siyang aso!

 

"Opo, President. Ikaw? Babalik ka na?" I nodded kaya napa ayos siya ng tayo. Aalis na sana ako ng marinig ko pa ang tawag niya. I didn't face him pero tumigil ako oara malaman niyang nakikinig ako.

 

"See you around, President!" I rolled my eyes before I continued walking.

 

See you never na lang sana.

 

Pero biruin mo nga naman. Kaninong santo ba nagdasal si Hee at ang bilis naman magkatotoo naman hiling niya.

 

"Sunoo, pasama naman ako sa clinic. Ang sakit talaga ng tiyan ko." mangiyak ngiyak na tawag sa akin ni Won.

 

"Ano bang kinain mo kanina? Kumain k aba ng panis? Yan deserve." Sinamaan niya muna ako ng tingin kaya tianasan ko siya ng kilay. Ang takaw kasi.  

 

Nag excuse ako kay Sir at pumayag naman siya.

 

"Wait lang, kuha lang tayo ng gamot sa clinic ." At last, after maraming tigil and panenermon ko sa kanya kahit paiyak na siya kasi pumipilipit daw ang tiyan niya, nakarating na din kami.

 

"Ay hudas." gulat ako ng naglalandiang nurse at Hee ang bumungad sa akin.

 

Agad namang tumayo ang nurse sa pagkakaluhod dahil binebendahan niya ang tuhod ni Hee. Maybe he have a wound.

 

"Saan Sun?" tanong naman ni Won. Nilibot pa ang paningin pero si Hee ang nakita niya.

 

"Ang pogi namang hudas niyan, Sun."

 

Inalalayan ko siya para humiga sa isang kama doon. Lumapit agad na lumapit sa amin ang nurse, bakat pa sa labi ang ngiti. Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa kaibigan ko at tumango naman siya. May kinuha siya sa isang cabinet doon habang napabaling ako sa kaibigan ko.

 

"Won, here, tingin ko naman hindi lang dumi yan, inumin mo muna tong gamot para mawala ang sakit," I give him the medicine. Sumama naman ang mukha niya kaya natawa ako ng bahagya.

 

"Drink this Won. Pampawala ng sakit," I said giving him the medicine.

 

Tinalikuran lang ako ng gaga. I know he hated medicines to the core pero wala akong alam na gagawin para mawala ang sakit ng tiyan niya.

 

"Come one Won," pilit ko pa.

 

"Anong nangyayari sa kanya? Manganganak?"

 

"Oo. Gusto mo makita yung procedure." hindi pa pala umaalis dito itong lalaking ito.

 

Ano? makikipag harutan na naman siya pagbalik nung nurse. Kapal naman ng mukha makipag lampungan sa staff ng school.

 

"Pilosopo ka din e no." he asked sarcastically.

 

"Hindi. Tao po ako." I look at him to smile sweetly. Inirapan niya naman ako bago tumingin ulit sa kaibigan ko.

 

"Hi Mr.." he greeted kaya napataas ang kilay ko. After the nurse, bestfriend ko naman? Kapal mo naman Sir.

 

"Off limits yan. Magtino ka." palo ko sa kamay niyang nakawak sa railings ng gilid ng kama. I saw a flicker of teasing look in his face bago nawala.

 

"Wonie, yung gamot. Iinumin mo o iiwan kita dito." I threatened him. He look at me pouting kaya napangiti ako. Inabot ko sa kanya ang gamot before I handed a glass of water. Napangiwi naman siya ng malunok ang gamot. I clapped for him to tease him kaya sinamaan niya ako ng tingin. I laugh before putting the glass back.

 

"Must be nice to have you as a friend 'no?" mababang tanong ng lalaking nasa tabi ko parin. I look at him.

 

"Why?"

 

"You take care of them really good." he said taking a glance at my sleeping friend. Tulog ito habang nakahawak sa tiyan, nakatulugan na ata ang sakit. Wala na din ang nurse dahil may aasikasuhin daw na records.

 

"Gusto mong magpaalaga?" I teased him.

 

"No. Gusto kita maging katulong," agad na napawi ang ngisi ko. Tarantado talaga.

 

"Kidding," he smirked. I rolled my eyes but settled my gaze when I noticed that he's walking out of the clinic.

 

"But yeah, let's see if I'll crave for your care, President."

 

Bottom of Form

 


Popular Posts